BC Holder's Letter of Gratitude


From the numerous “thank you” letters received by the Association, we shall choose one each month to be published at The Cross supplement and KC Website. We want to give opportunity to members to share how KC Fraternal and our fraternal benefits have touched or influenced their lives. They serve as testimonies of the fulfillment of the mission of both our Association and the Order of the Knights of Columbus.


(Sis. Teresita Valdez received from Bro. Manuel Naldoza, Area Manager from Central Luzon, the insurance claim proceeds under her late husband Bro. Ponciano Valdez’ Benefit Certificate. Bro. Roberto Ibarra, Grand Knight of Council 4405 at Camiling, Tarlac and Bro. Artemio Navarro, District Deputy of T38, stood as witnesses.)


“Una po sa lahat, nais ko pong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa Knights of Columbus Fraternal sa lahat ng mga suporta at tulong na ibinigay noong mamatay ang aking asawang si Pons Valdez. Salamat po sa insurance claim check na ibinigay agad sa araw mismo ng kanyang libing at ito’y nakatulong ng malaki sa amin upang mabayaran lahat ang aming mga gastusin. Kung tutuusin, ilang taon pa lamang naghuhulog sa insurance ng KC Fraternal ang aking asawa, konti pa lamang po ang kanyang naihuhulog, pero nang mamatay siya binigay agad ng KC ang insurance niya.
Matagal na naging FS (Financial Secretary) ang aking asawa sa KC dito sa Camiling. Pero kahit member siya ng KC, ayaw niyang pumasok o kumuha ng insurance. Actually, ako lang talaga ang pumilit sa kanya na kumuha ng insurance. Ang katwiran niya wala siyang stable na trabaho at sayang lang daw ang mga maihuhulog namin sakaling di namin maituloy gawa ng walang ibabayad pag due date na. Ipinaliwanag ko na tumatanda na kaming pareho at ang mga ganitong bagay na ang dapat naming paghandaan at unahin dahil alam ko pagdating ng araw makakatulong ito ng malaki sa aming buhay. Sinabi ko pa sa kanya na kung sakali at mauna akong mamatay, at least may makukuha siyang halaga ng insurance ko. At kung sakali na siya naman ang mauna, sinabi ko sa kanya na ipagkakait mo ba na mayroon kang maiiwan sa amin na halaga ng insurance mo?
Nag-isip siyang mabuti, and from then on, siya na mismo ang nag-iipon para may maibayad kami sa insurance dahil tatlo kami sa family namin ang may insurance sa KCFAPI – ang aking asawa, ako at pati yung bunso naming anak. Nalinawagan ang kanyang isipan na ang mga bagay na katulad ng insurance ay mapapakinabangan hindi lamang sa oras ng kamatayan. Pwede ka ring makapag-loan kung meron ng cash value.
Kaya nga, I encourage all brother Knights, pati na rin sana family ninyo na pumasok at kumuha ng insurance sa KC Fraternal. Dapat paghandaan natin ang bukas. Who knows, baka bukas isa sa atin ay mawawala na at kapag ganun ang nagyari, ipagkakait niyo rin ba sa inyong mga maiiwang pamilya ang maari nilang makuha sa insurance ninyo?
Muli, nagpapasalamat po ako sa Knights of Columbus Fraternal Association dahil sa binigay na insurance claim proceeds. Napakalaking tulong po talaga ito para sa amin lalo na wala namang maraming property si Pons na naiwanan.
Maraming, maraming salamat!"

Mrs. Tess Valdez
Paterno St., Camiling, Tarlac

Father of Knights of Columbus in the Philippines

 

Get your daily Knights of Columbus Philippines RSS feeds here!

Syndicate content